Teresa, Rizal
Teresa School Campus: 50 kWp Rooftop Solar
50 kWp grid-tied system para sa isang school campus sa Teresa, Rizal — ang pinakamalaking install namin to date. Ang daytime na operasyon ng school ay swak na swak sa solar.
System Size
50 kWp
Panels
90 pcs
Inverter
50 kW Grid-Tie (5 inverters)
Installation
7 days
Bill Before
₱80,000
Bill After
₱24,000
Ang problema
Ang mga aircon ng classrooms, computer lab, at office ang bumubuo ng napakalaking monthly na gastos sa kuryente ng school — gastos na sana ay napupunta sa mga programa para sa mga estudyante.
Ang solusyon
90 na panels sa bubong ng main building at 50 kW grid-tie inverter. Grid-tied ang pinili dahil ang consumption ng school ay nasa araw mismo — klase ang oras ng peak load, kaya halos lahat ng ginagawa ng panels ay diretsong nagagamit.
Ang resulta
Malaking bahagi ng daytime consumption ng campus ay galing na sa solar, at kapansin-pansin ang ibinaba ng monthly bill. Ang installation ay isinagawa nang hindi naaabala ang mga klase.
Gusto mo ng ganitong savings?
Kunin ang sarili mong quote sa 60 segundo, walang callback na kailangan.