Philvolt
All installs

Teresa, Rizal

Teresa Residence: 5 kWp Rooftop Solar

Family home sa Teresa, Rizal na pinili ang 5 kWp hybrid system — hindi lang para sa savings, kundi para may kuryente pa rin ang mga critical loads tuwing brownout.

Click para i-zoom

System Size

5 kWp

Panels

9 pcs

Inverter

5 kW Hybrid Inverter

Installation

2 days

Bill Before

₱6,500

Bill After

₱2,000

Ang problema

Taas nang taas ang monthly bill ng pamilya, at bukod doon ay hindi bihira ang brownout sa lugar. Gusto nila ng system na magpapababa ng gastos at may backup na maaasahan kapag nawalan ng kuryente.

Ang solusyon

9 na panels sa bubong at 5 kW hybrid inverter na may battery backup. Ang hybrid setup ang pinili para ang ref, ilaw, at electric fan ay tuloy-tuloy pa rin kahit may brownout — hindi kayang gawin ng ordinaryong grid-tied system.

Ang resulta

Malaki ang ibinaba ng monthly bill ng pamilya, at sa mga sumunod na brownout sa Teresa, sila na lang halos ang may ilaw sa kalye. Dalawang araw ang buong installation kasama ang battery commissioning.

Gusto mo ng ganitong savings?

Kunin ang sarili mong quote sa 60 segundo, walang callback na kailangan.

Get My Instant Quote